
Meron ka bang special someone sa buhay mo? Someone na lagi mong gustong kasama at bigyan ng pagmamahal?Masaya kapag nasa romantic relationship – may holding hands, quality time nang magkasama, at someone na mapagkakatiwalaan. Or, kung wala ka man sa isang relationship ngayon, baka umaasa ka.
Kung alin ka man sa dalawa, dinisenyo ka para magmahal, at mahalin, nang malalim. Nag-lo-long ang mga puso natin na magkaroon ng relationship sa mga tao. Nag-wish ka na ba minsan na sana may taong nakakakilala sayo nang buo, kahit yung maliliit na details tungkol sayo?
Someone na alam yung favorite series mo o comfort food mo kapag malungkot ka.
Lahat tayo, gusto ng relationships, gustong maramdaman na we are seen and known, kasi ganun tayo ginawa.
Ginawa ka ng Creator ng Universe at gusto Niyang magkaroon ka ng malalim na relationship sa Kanya. Oo, totoo 'to, kahit na hindi mo pa Siya kilala! Sinasabi sa Bible na si God ay ang bridegroom at ang bayan Niya (tayo!) ang bride. So tulad ng pagbigay mo ng time sa taong nagpapakilig sayo, magbigay ka rin ng time para kilalanin kung Sino ang tunay na nagmamahal sayo.
You were created to know love, at kung nasa relationship ka man, may crush, or wala, meron kang opportunity na ma-experience yung deep love na malapit na malapit sayo.

Kakaiba ang mga kaibigan. Sila yung kasama mo harapin ang buhay—sa ups and downs, sa lahat ng phases, nandyan sila. Sila yung makikinig sayo, maiiyakan mo, at makakapitan mo. Pero higit sa lahat, sila yung kasama mo magsaya at mag-celebrate!
People change over time, at minsan pa nag-aaway o hindi na masyadong nag-uusap. Pero may mga kaibigan naman na pangmatagalan.
Kahit pabago-bago ang friendships sa buhay, kailangan natin ng malapit na kaibigan. Yung kaibigan na mas malapit pa kesa sa kapatid.
Yung kaibigan na mas malapit pa kesa sa kapatid. Yung kaibigan na malapit sa atin, lagi nating makakausap, at totoong may pakialam sa atin. Yun si God!
Ginawa ka ni God. Kilala ka Niya at mahal ka Niya. Gusto niyang maging malapit sa 'yo. Pwede kang maging friend ni God.

Binibigyan mo ako ng bagong lakas. Gina-guide mo ako sa safe at tamang landas, dahil yun ang promise mo. Psalm 23:3 (Pinoy Version)
Iisang katawan at isip lang ang meron ka. Naglalaan ka ba ng sapat na oras para alagaan ang sarili mo?
Ang self love ay hindi lang tungkol sa kung gusto mo ba ang itsura mo. Ang self love ay pag-aalaga sa sarili! Ito yung pagiging aware at pag-alaga sa needs ng katawan mo bago pa 'to mapagod o magkasakit. Ito rin yung pagiging sensitive sa isip mo kapag ni-re-remind ka nang huminto, magpahinga, o umiwas sa bad habits.
Siguro ginagawa mo na lahat ng 'to pero iniisip mo pa rin kung bakit di mo ramdam na okay o confident ka. Well, mahalaga malaman na di lang katawan at isip ang meron ka, pero pati kaluluwa!
Etong tatlong bagay, isip, katawan, at kaluluwa, yung bumubuo ng pagkatao mo! Bawat parte ng pagkatao mo ay hindi aksidente o pagkakamali, kaya kailangang alagaan nang maayos.
Madali lang isipin kung paano alagaan ang isip at katawan—exercise, kumain nang tama, at magkaroon ng sapat na tulog. Pero paano naman yung kaluluwa mo?
Para maalagaan ang kaluluwa, kailangan mong kilalanin kung Sino ang gumawa neto—si God! Sadya kang ginawa ng Diyos at mahal Niya ang buong pagkatao mo.

Puro gulo ang nagagawa ng matinding galit, pero dahil sa pag-ibig, napapatawad lahat ng mali. Proverbs 10:12 (Pinoy Version)
Ang complicated talaga ng relationships, lalo na ngayon!
Mas madali pang makakilala ng tao online kesa sa labas, at kapag nakakilala ka na ng taong gusto mo, anong label niyong dalawa? Kapag may label ibig sabihin may commitment, kaya may relationships na nagiging... situationships?
Walang masama sa pag-decide kung mag-co-commit ka na talaga sa isang tao. Malaking decision 'to, diba? Pero minsan, may hinahanap ka pa rin. Yung walang masyadong drama. Yung mas stable.
Alam mo ba na nag-e-exist ang perfect love?
Yung love na mabait, matiyaga, hindi seloso, hindi mayabang, at hindi bastos? Yung love na laging pumoprotekta, nagtitiwala, may pag-asa, at hindi sumusuko? Ang ganda non. Siguro iniisip mo, saan naman mahahanap yung ganong love?
Yung love na 'to ay yung love ni God, at sa pagiging perfect Niya, ganto ang pagmamahal Niya para sayo.
Baka pagod ka na kakaisip kung ganto ka rin ba kamahal ng taong mahalaga sayo. O baka naghahanap ka ng something new. Nasa tamang landas ka. Tumingin ka kay God. Lahat ng kailangan mo nasa Kanya, at hindi mo kailangan magtaka kung nasaan ka sa Kanya.